MAKAKABAWI BA ANG LIFESAVERS VS. MARINERA SA SUPERLIGA?


TARGET makaresbak ng Generika-Ayala mula sa pagkatalo sa sandaling makaharap ang Marinerang Pilipina sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Muntinlupa Sports Center.
Magsisimula ang laro ng 7 p.m. kung saan, pakay ng Lifesavers na makuha ang ika-6 na panalo upang masolido ang puwesto sa unang bahagi ng standings sa prestihiyosong women’s club league. Samantala, asam naman ng PLDT Home Fibr na pag-ibayuhin ang standings laban sa Sta. Lucia sa first game ng 4:15 p.m.
Nais tapusin ng F2 Logistics ang 2-year na pananalasa sa midseason conference na nasa top standings matapos ang walong sunod na laro.
Ang Blaze Spikers naman ay nasa 2nd spot na may 8-2 win-loss card habang ang Foton ay nakasakay sa six-game winning streak at nanatili sa third spot na may 7-3. “It’s not yet time to panic. We still have a long way to go. The conference is just on its second round of eliminations,” ani coach Sherwin Meneses, na kalmado at relaks lang kahit na natalo sa three sets sa Tornadoes, 16-25, 26-28, 15-25, noong Sabado. “I reminded the team not to dwell on this loss. What’s important is that we learned our lessons and we bounce back next game,” ani Meneses.
Ang wala namang panalong Marinerang Pilipina ay gigil na makabangon mula sa seven-game losing drought. (MC) Team Standings: F2 Logistics 8-0; Petron 8-1;Foton 7-3; Generika-Ayala 5-4; Cignal 4-5; PLDT 2-6; Sta. Lucia 1-9; Marinerang Pilipina 0-7.





Comments