top of page
Pokwang.jpg

Mahal ko o mahal ako ang drama... BEBOT NA TWO-TIMER, LITUNG-LITO, SWAK NA GUY SA KANYA, BUKING SA Z

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Dalawa ang boyfriend ko ngayon kaya sana, ma­tulungan ninyo akong ma­mili nang tama. Legal ang tawag ko kay Mr. Gemini dahil siya ang ipi­nakiki­lala kong boyfriend sa mga kaibigan at kamag-anak ko.

Si Mr. Virgo ay iligal dahil lihim lang ang re­lasyon namin – walang na­kaaalam kundi kaming dalawa lang. Pareho ko si­lang mahal, medyo matim­bang lang nang kaunti si Mr. Virgo dahil kahit alam na niya na boyfriend ko si Mr. Gemini ay hindi siya nagagalit sa akin at inu­unawa niya ang kalagayan ko.

Pero, sa kabila nito, pa­rang nagi-guilty pa rin ako, kaya balak ko ay isa na lang sa kanila ang itira ko upang pagtuntong ko sa tamang edad ay makapag-aasawa na ako.

Sino kaya sa kanilang dalawa ang dapat kong ma­ging asawa upang ako ay magkaroon ng maunlad at maligayang pamilya, balang-araw? June 13, 1994 ang birthday ni Mr. Gemini habang si Mr. Vir­go naman ay September 13, 1991. September 28, 1995 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Bhea ng Iba, Hagonoy, Bulacan

Dear Bhea,

Tumpak ang binabalak mong mamili na lang ng isa sa dalawang boyfriend mo nga­yon kung saan ayon sa zo­diac sign mong Libra na may elementong air o hangin at birth date na 1 (ang 28 ay 2+ 8=10/ 1+0=1) sa destiny number na 7 (9+28+1995 =2032/ 20+32=52/ 5+2=7), mas angkop sa iyo si Mr. Gemini na may birth date na 4 o 13 (dahil ang 13 ay 1+3 =4) sa zodiac sign na Gemi­ni na may elementong air o hangin tulad mo at may des­tiny number na 6 (6+13+ 1994=2013/ 20+13=33/ 3+3 =6) kung saan ang nume­rong 6 ay siya ring numero ng zodiac sign mong Libra na may ruling planet na Ve­nus, kaya suwetung-suweto talaga kayo para sa isa’t isa.

Dahil si Mr. Gemi­ni ang higit na katugma mo kung ikukumpara kay Mr. Virgo, tama ang iniisip mo ngayon na mamili na lang ng isa sa dalawang boyfriend mo at si Mr. Gemini ang pi­liin mo at tama lang na ma­kipag-break ka na agad kay Mr. Virgo at palayain mo na siya, gayun­din, ang iyong sa­rili sa kasa­lu­kuyang kahanga­lang in­yong pinaggagagawa.

Sa ganyang paraan la­mang dahil naging tapat ka sa iyong boyfriend at naging tapat ka sa iyong sarili, tiyak ang magaganap, sa panahon ng iyong pag-aasawa, may pangako ng maligaya, maun­lad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page