'Di lang basta nili-lips-to-lips, Daniel… KATHRYN, SINUSUBUAN NG GAMIT NIYANG KUTSARA AT TINIDO


SA nakaraang episode ng Rated K, isa-isang ipinakilala ni Kathryn Bernardo ang kanyang mga dogs na sina Cloud, Tala at Pablito.
Si Cloud ay isang five-year-old golden retriever. Si Tala naman na laging kasama ni Kathryn sa kanyang Instagram stories at photos ay isang samoyed, habang si Pablito ay isang pomeranian.
Kuwento ni Kathryn, seven lahat ang aso niya pero ang kasama niya sa kuwarto kapag natutulog ay sina Cloud, Tala at Pablito. “Kasama ko sila sa room, kasi duwag ako… Sa kama (si Pablito), sa tapat ng aircon ‘yung dalawa.”
Labs na labs daw niya ang kanyang mga pet dogs.
“Super, I treat them like my own, like my babies,” ani Kathryn.
Maging ang RK host na si Ms. Korina Sanchez, hindi makapaniwalang nakikipag-lips-to-lips ang aktres sa kanyang mga alaga at sinusubuan pa niya ang mga ito gamit ang kanyang spoon and fork.
“Yes po, ‘yung spoon and fork, ginaganu’n ko sila after. Hindi ako maarte ‘pag sa kanila,” proud pang kuwento ni Kathryn.
“Growing up, may mga dogs talaga sa bahay, as in marami,” dagdag pa niya.
Malambot din ang puso ni Kathryn para sa lahat ng mga aso. Kaya kapag may naabusong aso ay to the rescue rin ang aktres.
“May isang location kami, hindi kasi safe kung saan inilagay ‘yung aso. So, sinabihan ko ‘yung may-ari.
“Sabi ni Mama, baka ma-offend daw ‘yung may-ari. Pero sometimes kasi, kulang sa pagiging responsible po ‘yung mga dog owners po natin,” ani Kathryn.
Kahit pa super busy ang aktres, may nakalaang oras ito sa mga alagang hayop.
“Binibigyan ng time. Lahat sila pagdating ko ng bahay, sasalubong sila. ‘Yan ‘yung magpapaalis ng stress ko talaga,” ani Kathryn.
Nang mag-shoot din daw si Kathryn nang almost one month sa Hong Kong para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye ay kinakausap ng aktres ang mga doggies niya.
“Ka-Facetime ko sila,” nakakatawang pahayag ni Kathryn.





Comments