top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babaeng feeling nakakarma dahil sa ugali

ROMA AMOR
Jul 23, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Nikka, 18 years old. Masyado akong pasaway noon sa mga taong nakasasalamuha ko lalo na sa mga magulang ko. Ako ‘yung tipong sutil sa magulang at lahat ng tao ay pinagtitripan ko. Ngayon, feeling ko nakakarma ako sa lahat ng ginagawa ko noon. Totoo ba talaga ang karma o feeling ko lang ‘yun? — Nikka

Nikka,

Alam mo, iha, lahat ng tao ay mayroong iba’t ibang paniniwala. Panahon pa lang ng matatanda, eh, pina­niniwalaan na ng karamihan ang karma. Sa totoo lang, kung ano ang itinanim natin ay siya rin ang ating aanihin. Kung gumawa ka ng mabuti sa tao, paniguradong kabutihan din ang ibabalik niya sa iyo. Kapag mayroong estranghero sa daan na nginitian mo, malaki ang por­siyentong ngingiti rin siya sa iyo, ngunit, mayroon ding mga pagkakataong hindi naibabalik sa atin ang mga kabutihang ginawa natin kaya kapag nagbigay ka, hu­wag kang umasa ng anumang kapalit. Hindi na maha­laga kung nakakarma ka, ang maha­laga ay naging aral ito sa iyo at na-realized mong maaari pa lang bumalik sa iyo ang bawat bagay na ginawa o gagawin mo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page