top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PINOY UNDERCARD, BAGSAK PERO MAY P4-M NA IUUWI

  • MC/Alvin Olivar/
  • Jul 22, 2019
  • 1 min read

REPLACEMENT lang ang naging papel ng isang Pinoy undercard na si Javar Inson upang maging kasagupa ni Sergey Lipinets, pero bumagsak ito sa unang round pa lamang ng Pacman-Thurman undercard fight sa MGM Grand Garden Arena. Sa bisa ng left hook ng malakas na Kazakhstani na si Lipinets na dumapo sa kaliwang ulo ni Inson ay padapang bumagsak sa canvas ang Pinoy.

Pinipilit pang tumayo ni Inson upang ipagpatuloy ang laban, pero nagpasya na ang referee na si Jay Nady na itigil na ang laban. Inihinto ni Nady ang aksiyon sa 57 segundo ng ikalawang round. Napagwagian ng 30-anyos na si Lipinets (16-1, 12 KOs) ang ikatlo niyang diretsong laban mula nang matalo sa isang 12-round unanimous decision kay Mikey Garcia ng nakaraang 16 na buwan sa San Antonio.

Ang 28-anyos naman na si Inson (18-3, 12 KOs), na nabigyang promosyon ni Pacman ay ngayon lamang natalo ng knockout mula nang maging pro boxer noong Disyembre 2013. Haharapin dapat ni Lipinets ang beteranong si John Molina Jr., pero ang 36-anyos na si Molina (30-8, 24 KOs), ng Covina, California ay inanunsiyo noong Biyernes na aatras sa laban dahil na rin sa back injury.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page