top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

MIGHTY SPORTS, ‘DI PINAPORMA ANG TAIPEI BLUE SA JONES CUP

Alvin Olivar
Jul 22, 2019
1 min read

TINALO ng Mighty Sports Philippines ang Chinese Taipei Blue, 97-74, noong Sabado sa 2019 William Jones Cup sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City. Nakuha ng Mighty Sports ang kanilang pampitong panalo noong Sabado upang maiselyo ang korona kahit pa may nalalabi pang isang laro ang koponan mula sa Pilipinas kagabi kontra sa Chinese Taipei White.

Ito ang pang-anim na kampyeonato ng Pilipinas sa torneo at pangalawa para sa Mighty Sports matapos unang mapanalunan ang kompetisyon noong 2016. Nanguna si Renaldo Balkman sa atake ng Mighty Sports Philippines matapos gumawa ng 21 points. Nag-ambag din ng 17 points at 7 rebounds si Eugene Phelps habang 13 points naman ang ginawa ni Roosevelt Adams. Agad-agad lumayo ang Mighty Sports Philippines sa kanilang katunggali matapos ang 24-14 na first quarter. Umangat uli ang kalamangan ng Mighty Sports sa kanilang pag-iskor ng 26 points sa second quarter para sa 50-34 na abanse.

Patuloy na umangat ang kalamangan ng Mighty Sports sa third quarter matapos ang 22-17 na iskor sa third quarter upang tuluyan pang lumayo kontra sa Chinese Taipei Blue.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page