IRANIAN DRONE, PINABAGSAK NG US
- Jersey Sanchez
- Jul 22, 2019
- 1 min read
PINABAGSAK ng US Navy Ship ang Iranian drone sa bahagi ng Strait of Hormuz sa pagitan ng Persian Gulf of Oman.
Ayon kay US President Donald Trump, lumipad ang drone 1,000 metro lang ang layo sa USS Boxer.
Ito umano ang pinakabagong provocative action ng Iran laban sa barko ng Amerika na naglalayag sa international water.
Itinuturo ng US ang Iran bilang nasa likod ng serye ng pag-atake sa Strait of Hormuz mula noong Mayo.





Comments