HOROSCOPE | Hulyo 22, 2019 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 22, 2019 (Lunes): Palagi kang may alalay at nauutusan. Ito ay malinaw na senyales na nakatakda kang mamuno at mamahala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka at masusunod ka! Gayunman, ang payo ay mag-utos ka nang may paggalang sa taong iyong uutusan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-24-31-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isantabi mo muna ang maliliit mong pangarap. Ngayon ang tamang panahon para makuha mo ang iyong malalaking ambisyon sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-28-30-41-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na aangat ka pa. Kaya huwag kang makuntento, gawin mo pa rin ang kasalukuyang pagsisikap mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-27-34-41.
CANCER (June 21- July 22) - Ngayon na ang masuwerteng araw para humingi ka ng malaking pabor sa malapit sa iyo na may mataas na ranggo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-28-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon. Ang mga kagustuhan mo ay mangyayari. Darami pa ang maiinggit sa iyo kaya lang hanggang inggit lang silang lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-16-20-24-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli mong mararanasan na ang suwerte ay nauulit. Kapag sinuwerte ka, muli ka pang susuwertehin. Hindi ka makapaniniwala na ikaw ay likas na masuwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-19-21-25-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumalayo ka, pero dumidikit ang taong may espesyal na pagtingin sa iyo. Sa huli, makikitang sobrang malapit kayo sa isa’t isa at ikaw ay sobrang makikinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-26-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bababa ngayon ang hatol ng langit sa mga taong mapanghusga laban sa iyo. Aanihin nila ang parusa sa utos na huwag mong husgahan ang iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-17-24-26-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo sa langit ang pinakagusto mo sa buhay. Kahit may pagkaimposible at mahirap mangyari ay ipagkakaloob pa rin ito sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-31-35-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang bago sa silong ng langit. Ang nangyari ay muling nangyayari. Muli kang susuwertehin tulad ng dati, matutuwa ka at matutuwa rin ang mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-21-24-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo ang mga ibibigay sa iyo ng bagong kakilala mo. Huwag mong kalilimutan, masama ang umaayaw sa grasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-29-30-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bababa ang mga ulap at aakalain mong uulan. Pero, sa pagbaba ng mga ulap, ikaw ay makikitang sobrang masaya dahil madarama mong ang iyong mga pangarap ay natutupad na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-29-33-39-44.




Comments