top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wa' nang show, marami pang sakit… KRIS, ATAT NANG BUMALIK, HINARANG NA GUMAWA NG MMFF MOVIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2019
  • 1 min read

TIYAK na iiyakan at panghihinayangan nang husto ni Kris Aquino kung hindi niya magagawa ang horror film na K(Ampon) ng Quantum Films kapareha ni Derek Ramsay.

Bale ba’y malaking project ito at kasama sa MMFF 2019. Ito na ang pagkakataon ni Kristeta na makabalik at maka­bawing muli sa kanyang showbiz career.

Gustung-gusto na niyang mag-shooting ng K(Ampon), pero pinigilan at tinutulan siya ng kanyang mga kapatid na tumanggap ng pelikula.

Matindi ang allergy na dumapo kay Kris at bawal itong mapagod, mapuyat at ma-stress. Hindi rin siya puwedeng mag-shoot sa kung saan-saang lugar lang. Kailangang alagaan niya ang sarili at sundin ang utos ng mga doktor na nanga­ngalaga sa kanyang kalusugan.

Para sa kanyang mga anak na sina Bimby at Joshua kaya gustong gawin ni Kris ang K(Ampon). Na-missed din niya ang paglabas sa horror film tulad ng Feng Shui.

Malaking desisyon ang kailangang gawin ni Kris sa mga susunod na araw. Kailangan niyang mamili kung alin ang mas mahalaga sa kanya — career o kalusugan at buhay niya.

Kung sariling pamilya at mga kaibi­gang nagmamalasakit ang masusunod, ayaw muna nilang gumawa ng pelikula si Kristeta hangga’t hindi pa stable ang kanyang kalusugan. Pero, si Kris, sabik nang makagawa uli ng pelikula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page