Pumalit sa kanya, kinausap daw agad… LIZA KAY JANE: KUNG NAHIHIRAPAN KA SA DARNA, 'ANDITO LANG A
- BULGAR

- Jul 21, 2019
- 1 min read

‘’I’M so happy for Jane de Leon & Star Cinema. I believe she embodies everything Darna possesses. Beauty, brains, strength, empathy & kindness,” ito ang pahayag ni Liza Soberano patungkol sa bagong Darna, ayon na rin sa tweet ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe.
Sinabi rin ni Liza na nagpadala siya agad ng mensahe kay Jane nang malaman niya ang balita at sinabihan daw niya ito na kung nabibigatan sa bagong responsibilidad ay puwede siyang kausapin.
“I messaged her as soon as I found out & told her if ever she feels the weight of responsibility bestowed upon her, she can always talk to me. I’m so excited for her career & to watch the movie! I can already feel Darna’s success,” pahayag pa umano ni Liza.
Ayon naman sa Facebook post ng isa sa mga managers ni Liza na si Ogie Diaz, okay sa ngayon ang aktres matapos sumailalim sa finger surgery sa US.
“Pagdating dito, tutulungan na lang siya ng occupational therapist para mapabilis ‘yung mobility ng daliri niya. So, okay naman sa all right ang operation,” post ni Ogie.
Pagdating daw dito ni Liza sa bansa ay pag-uusapan na ang gagawing teleserye with her boyfriend and perennial love team, Enrique Gil.
“At may dialect din siyang pag-aaralan dahil ‘yun ang salita nila sa serye,” post pa ni Ogie.
Matatandaang si Liza dapat ang gaganap na Darna bilang kapalit naman ng nag-back-out na si Angel Locsin. Pero dahil nga sa nangyaring finger injury sa young actress ay kinailangan niya ring i-give-up ang pelikula.





Comments