PHL TEAM, KUMIKIG SA ASEAN SCHOOL GAMES


NASUNGKIT ng swimming ang unang medalya para sa Team Philippines, habang nagpamalas ng katatagan ang girls volleyball nang walisin ang host Indonesia sa unang araw ng aksiyon sa 11th ASEAN School Games noong Sabado sa Jatidiri Sports Complex sa Semarang, Indonesia.
Gabuhok lang – 0.01 segundo - ang naging pagitan ni Junior Philippine National Swimming Record holder Thanya Angelyn Dela Cruz sa nagkampeon na si Adelia Adelia ng Indonesia sa Girls 50m Breaststroke.
Nailista ni Dela Cruz ang tiyempong 33.82 segundo laban kay Adelia (33.81). Nalampasan ni Dela Cruz ang bronze medal performance sa event sa nakalipas na taon, habang ang naitalang 33.82 ay ikalawang pinakamabilis sa naturang dibisyon para sa final qualifying ng pagpili sa National Team sa 2019 SEAG.
Kinahapunan, umusad din sa finals ng Girls 100-M Breaststroke si Dela Cruz at kasanggang si Mary Sophia Manantan sa qualifying time na 1:154.67 at 1:18.84, ayon sa pagkakasunod.
Sabak din sa finals ng Girls 100m Butterfly sina Swim Pinas’ swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh at Camille Lauren Buico, gayundin ang kapwa Swim Pinas stalwarts na sina Jordan Ken Lobos, Merview Jules Mirandilla at Miguel Barreto.
Samantala, tumatanggap ang award-winning Best Center ng enrollees para sa volleyball classes sa Starmall Alabang ngayong Linggo.
Ang clinics ay sisimulan ng 8:30 a.m. - 12noon para sa estudyante ng Levels 1 at 2. Para sa inquiries mag-email sa bestcenter, inquiry @gmail.com. (MC)





Comments