top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pag-IBIG Fund, pinananatili ang lowest-rate ever sa home loan

Thea Janica Teh
Jul 21, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Patuloy ang pagbibigay ng Pag-IBIG Fund sa mga miyembro nito ng lowest-ever interest rate sa kanilang home loan program. Kaya naman naging dahilan ito ng kanilang top executive report dahil sa double-digit growth sa nakalipas na taon.

Nag-aalok ang Pag-IBIG Fund ng super affordable housing program na 3% per annum sa mga miyembrong kumikita ng Php15,000 kada buwan sa National Capital Region (NCR) at Php12,000 kada buwan naman para sa mga miyembrong nasa labas ng NCR. Mula noong May 2017, ito ang pinakamababang housing loan sa bansa.

Pinananatili rin ng Pag-IBIG Fund ang interest rate na 5.375% per annum na hanggang Php6 milyon sa ilalim ng Regular Housing Loan Program. Aasahan ng mga miyembro na patuloy lang ang ganitong abot-kayang rate sa buong taon. Ang Pag-IBIG Fund ay nagsasagawa ng Full Risk-Based Pricing framework sa pagpapababa ng rate ng housing loan.

Dahil sa strong financial standing ng Pag-IBIG Fund ay inaasahan ang mas marami pang mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na makuha ang kanilang pinapangarap na bahay, lalo na ang mga low-wage earner. Ibinahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairperson of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees na sa unang anim na buwan ng 2019, Php30.44 bilyon na ang natanggap ng Pag-IBIG Fund sa home loan payment ng mga miyembro. Ito ay mas mataas ng 12% kung ikukumpara noong isang taon. “Natutuwa kami sa magandang koleksiyon na napapanatili nito ang performing loans ratio o PLR sa above 90%.”

Bukod pa rito, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na wala silang nakikitang dahilan para taasan ang rate ng kanilang home loan dahil sa patuloy na pagpapaganda ng koleksiyon at pag-boost ng PLR. Patuloy lamang ang pagbibigay ng Pag-IBIG Fund sa pinakamababang housing rate para ang bawat Pilipino ay magkaroon ng kanilang pinapangarap na bahay.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page