top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

JUDGEMENT DAY! LET’S GET READY TO RUMBLE!

Gerard Arce
Jul 21, 2019
2 min read

MAGKAKAALAMAN na kung sino talaga ang totoong may-ari ng World Boxing Association (WBA) welterweight title, sa paghaharap nina eight division world champion Manny “Pacman” Pacquiao at undefeated champ Keith “The One Time” Thurman ngayong araw sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ang Filipino champ na si Pacquiao (61-7-2, 39KOs) ay may hawak na WBA regular title samantala, ang Amerikanong si Thurman (29-0, 22KOs) ay ang WBA Super Welterweight champ. Parehong pasok ang dalawang boksingero sa 146.5 pounds.

Nakatakdang maging ‘third man’ ang 68-anyos na si Kenny Bayless, na 10 beses nang naging referee sa laban ni Pacquiao, kung saan pumagitna ito sa mga laban ng pambansang kamao kina Floyd Mayweather, Lucas Matthysse, Shane Mosley, Ricky Hatton, Timothy Bradley, Jessie Vargas, Miguel Cotto, Juan Manuel Marquez at Erik Morales. Uupo para maging mga hurado sa ringside para sa 12-round championship fight sina Glenn Feldman, Dave Moretti at Tim Cheatham.

Sa history ng WBA title, matagal nang hinawakan ni Mayweather ang titulo bago siya nagretiro noong 2015, binitawan niya ito at napasakamay ni Thurman na noo’y interim champ. Nagkaroon ng injury si Thurman kung kaya’t iniutos ng WBA na magkaroon ng regular champ sa laban nina Matthysse at Tewa Kiram ng Thailand noong January 2018. Nanalo ang una at nakalaban ni Pacquiao kinalaunan sa Battle of Kuala Lumpur noong nakaraan ding taon sa pamamagitan ng 7th round stoppage.

Muling bumalik sa aksiyon si Thurman matapos ang dalawang taon na paghinto at kinalaban nito si Josesito Lopez sa Barclays Center sa Brooklyn, New York sa pamamagitan ng majority decision noong Enero 26, ngayong taon.

Samantala, nanaig si Pacquiao laban kay Adrien Broner nitong Enero 19 ng kasalukuyang taon sa pamamagitan ng unanimous decision. Marami ang nagsasabing dikitan ang laban, ngunit bahagyang nakalalamang ang Pambansang Kamao ayon sa maraming eksperto at mga dati at kasalukuyang boxing champion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page