‘Wag nang magsayang ng oras, now na! NANAGINIP NG PERA, YAYAMAN SA NEGOSYO

Salaminin natin ang panaginip ni Alexa ng Alexa _Nga_Pala@facebook.com
Dear Professor,
Sana, mahulaan ninyo kung bakit madalas akong managinip ng mga numero at maraming pera?
Naghihintay,
Alexa
Sa iyo Alexa,
Araw-araw, iha, maraming iniisip ang tao. Kaya kung minsan, hindi na niya alam kung ano ba ang uunahin dahil sa rami ng kanyang gustong gawin.
Minsan, puwede tayong humingi ng payo sa ibang tao, pero, tiyak na ang kanyang ipapayo ay ‘yung pabor sa nasa isip niya o nakabase sa karanasan at kung ano ang kanyang pinaniniwalaan, kumbaga, ang payo ng ibang tao ay hindi para sa humihingi sa kanya ng payo kundi para sa kanya mismo.
Kung kukuha ka ng payo sa Facebook, lahat ay magaganda, pero hindi ito magagawa ng tao dahil ang mga ito ay imposible.
Kung a-attend ka ng mga seminar na ang nagsasalita ay mga life coach, gagastos ka ng malaki at sa huli, ikaw na rin ang magsasabi na ang sikreto pala para magtagumpay sa buhay ay ang bobolahin mo ang iyong sarili.
Kaya, malilito ka at mas lalong hindi mo malalaman kung ano talaga ang dapat mong gawin sa buhay mo para ikaw ay umasenso.
Pero, ang maipapayo namin sa iyo na siya mismong payo ng iyong panaginip na nagsasabing, kapag napanaginipan ang mga numero, ang nanaginip ay pinagnenegosyo.
Oo, iha, sabi ng panaginip, business is your only way to a prosperous life. Kaya sa negosyo, darami ang pera mo na ang pahabol na mensahe ay yayaman ka.
Kaya magnegosyo ka at huwag ng mamasukan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments