Todo-buntot sa GF, career apektado na… MAINE, PANIRA KAY ARJO


DAHIL daw sa kabubuntot sa mga lakad ng GF niyang si Maine Mendoza kaya hindi nagawang siputin ni Arjo Atayde ang nakaraang EDDYS Awards last Sunday. Hindi tuloy niya personal na natanggap ang kanyang trophy bilang Best Supporting Actor via Buy Bust movie.
Kaya, hindi maiaalis na isipin na inisnab at binalewala niya ang ibinigay na pagkilala sa kanya ng grupong SPEED na nasa likod ng EDDYS Awards.
Well, kung noong sumabak na sa pag-arte si Arjo ay marami ang nagsasabing sisikat lang siya dahil anak siya ni Sylvia Sanchez, ngayon, nagawa niyang patunayan na may kakayahan siyang umarte at tuluyan na ngang nakawala sa anino ng kanyang sikat na ina.
Ang siste, mukhang hindi naman niya binibigyan ng importansiya ang mga award-giving bodies na kumikilala sa husay niya bilang aktor.





Comments