Galit na galit noon, pagkain lang pala ang katapat, Sen. Kiko… SHARON, BUMIGAY KAY ROBIN DAHIL SA L
- BULGAR

- Jul 20, 2019
- 1 min read

MABUTI naman at bati na sina Megastar Sharon Cuneta at Action Superstar Robin Padilla.
Kung matatandaan, nagtampo si Mega kay Binoe dahil hindi ito sumipot sa 40th birthday concert niya sa Araneta Coliseum last year, devah... devah?!
Pero sa kanyang latest Instagram post, sinabi ni Shawie na bati na sila ni Robinhood dahil nagpadala na ito sa kanya ng paborito niyang lechon bilang peace offering.
Caption ni Mega sa post niya ng picture ng ipinadalang lechon ng mister ni Mariel Rodriguez, “Thank you, @robinhoodpadilla for the lechon. Okay na tayo ‘di ba, and you didn’t have to! But thank you. Buti nagkita kayo ng kapatid kong si Ciara. And buti ‘di ka niya nadeadbol nu’ng sinakal ka niya, hahahaha! Thanks again. God bless.”
So, ngayong all’s well that ends well na sa kanilang dalawa, sana nga’y magsama uli sila sa movies.





Comments