BANGKAY NG KELOT LUMUTANG SA ILOG
LA UNION—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan, kamakalawa na nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Lower Delles, Burgos sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Raymart Timmalog, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa naturang ilog.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung aksidenteng namatay sa lunod o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.





Comments