top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Respeto at malasakit sa PWDs

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2019
1 min read

Kasabay ng iba’t ibang problema sa bansa, dumako muna tayo sa positibong pangyayari.

Kamakailan lamang, isinailalim sa pagsasanay ang mga kawani ng gobyerno sa wastong pakikitungo at pagbibigay ng tamang serbisyo sa mga may kapansanan o persons with disability (PWD).

Kasabay ito ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week na layong magbigay-linaw sa tamang pakikitungo sa mga PWD.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2010, aabot sa 1.4 milyon ang bilang ng PWD sa bansa.

Sa pagsasanay, ibinahagi ng ilang PWD at kanilang pamilya ang kanilang karanasan sa kabila ng kanilang kapansanan.

Halimbawa, ang paggamit ng elevator at CR na nakalaan para sa mga PWD.

Gayundin, ibinahagi ng mga eksperto ang ilang tips kung paano da­pat pakitunguhan ng government employee ang PWDs tulad ng paki­kipag-eye contact sa mga ito.

Sa ilalim ng Magna Carta for Disabled Persons, may mga prebilehiyo ang PWDs tulad ng exemption sa value added tax, bukod pa sa dis­kuwentong nakukuha sa ilang produkto at serbisyo.

Hindi lamang ang mga kawani ng gobyerno ang dapat matuto ng tamang pakikitungo sa mga ito dahil ang mamamayan ay may dapat din gawin tulad ng pagpapaupo sa mga PWD sa pampubli­kong sasakyan, pagpapauna sa mga elevator at pila.

Bukod sa prebilehiyo, pinakamahalaga ang pagtanggap sa kanila bilang mga produktibong mamamayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page