PUSHER DEDBOL SA SHOOTOUT
Pabs Hernandez III
Jul 19, 2019
1 min read
QUEZON—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Dalahican, Lucena City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Michael Golvin, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Golvin, pero bigla nitong pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments