top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malakas na ulan sa Nepal, Bangladesh at India | 100 PATAY SA BAHA, 4 MILYON RESIDENTE APEKTADO

  • Jersey Sanchez
  • Jul 19, 2019
  • 1 min read

MAHIGIT 100 katao ang nasawi habang 4 milyon katao ang inilikas dahil sa pagbaha sa Nepal, India at Bangladesh.

Ito ay dahil ilang araw nang nakararanas ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan sa nasabing mga bansa.

Pinakamatinding napinsala ang Assam at Bihar sa India dahil 10 araw na itong dumaranas ng malakas na pag-ulan.

Ang railway lines naman sa Bihar at mga pangunahing kalsada ay lubog sa baha.

Gayunman, 4 milyong katao ang inilikas sa Assam dahil sa baha.

Sa Nepal, 62 ang nasawi habang 31 iba pa ang nawawala dahil sa masungit na panahon na nagresulta ng flashfloods at landslides.

Samantala, 190,000 katao ang inilikas sa Bangladesh.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page