top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex-misis mo, Cesar, balik sa paghuhubad… "WALA AKONG PAKI KAHIT ANONG SABIHIN NG MADLANG PIPOL&

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 19, 2019
  • 2 min read

NATUPAD na ang isa sa bucket list ni Sunshine Cruz at ito ay ang makagawa ng pelikula sa Cine­malaya Philippine Independent Film Festival via Malamaya under Spears Films, ALV Films and Cine Likha.

Sa sobrang excitement niya ay tinanggap niya agad ang movie without knowing kung ano ang role niya. At bago sila magsimula ng shoot, nag-script reading daw muna sila kaya lalo siyang na-excite gawin ang Malamaya with two female directors na sina Leilani Chavez at Danica Sta. Lucia.

Dedmabels na si Sunshine kung ano ang sabihin ng mga tao sa mga love scenes niya sa movie with Enzo Pineda.

“Sa ngayon, iniisip ko na lang, would I really care what other people would think? Panoorin na lang nila. And kapag napanood nila, doon nila ako i-judge kung ka-judge-judge ba talaga? Ang importante sa akin, ang mahalaga sa akin now, ngayong estado ko ng buhay, ay ‘yung mga taong mahal ko, at mahal ko na sinusuportahan ako. They don’t judge me. And that’s a huge difference from the past,” pahayag ni Sunshine.

Aminado si Sunshine na nasaktan siya sa mga negative comments na nababasa niya sa social media at pati na sa print media.

Akala nila, kasi nga merong mga headline, ‘Balik-paghuhubad,’ ba-blah-blah-blah…Hindi ko na mata­tang­gal sa ka­nila ‘yun. Pe­ro, kaya nga da­pat, pano­orin nila, kung me­ron bang da­hilan. Kung meron bang saysay ang mga ginawa ko sa movie? So, panoorin muna nila.”

Pagpapatuloy pa niya, “Paano ko na­lampasan ‘yung masasakit na comments? Yes, nasaktan ako. Sino ba naman ang hindi? Kasi kapag tiningnan mo ‘yung headline, maraming tao kasi, tinitingnan lang ‘yung headline ng binabasa nila and they judge you agad-agad. They say things. They curse you. They say things about your children. Tao lang naman tayo, ‘di ba?

“Pero why do I have to care what others think? They don’t even know me. I don’t know them. If they wanna watch, then watch. I’m not forcing anyone just as long ‘yung mga mahal ko sa buhay, may tiwala sa akin at hindi ako dyina-judge. ‘Yun ang importante sa akin.”

Samantala, kinuha rin namin ang reak­siyon ni Sunshine sa pag-amin ni Enzo na crush siya ng Kapamilya star.

“Eh, ‘di wow! Hahaha!” aniya.

Thankful naman si Enzo kay Sunshine dahil tinulungan siyang magkaroon ng confidence while doing their scenes sa movie lalo na sa love scenes nila.

Bakit ako sanay? Hahaha! Hindi, siyempre, teamwork nga ‘yan. Kailangan kasi ako ‘yung dominante. Si Nora kasi, ‘yung character ko, very, very strong ang personality niya. Dominante siya even when it comes to lovemaking.”

Ang Malamaya ay isa sa ten official entries for full-length movie category sa 15th Cinemalaya Philippine Indepen­dent Film Festival na magaganap sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Theaters simula sa Agosto 2 hanggang 13.

Magkakaroon din ng commercial theat­rical run ang Malamaya sa August 14.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page