top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Benepisyong makukuha sa PhilHealth sa nagka-dengue, alamin!

Thea Janica Teh
Jul 19, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Ipinaaalam ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mayroong nakalaang benepisyo para sa dengue. Ito ay matapos ideklara ng Department of Health (DOH) ang dengue outbreak sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay BGen. Ricardo C. Morales, president at CEO ng PhilHealth na binibigyan ng benefits na Php10, 000 para sa dengue with or without warning at Php16,000 naman para sa severe dengue. Nakukuha ito sa levels 1, 2 at 3 na ospital. Bukod pa rito, nabibigyan naman ng Php7, 000 ang mga pasyenteng may non-severe dengue na maaaring gamutin sa mga primary care facility.

Gayundin, ipinababatid ng PhilHealth na maaaring makakuha ng benepisyo ang mga hindi pa miyembro kung ito man ay nagka-dengue. Ito ay sa pamamagitan ng Point of Service (POS) kung saan ang mga walang kakayahang magbayad ng kontribusyon ay babayaran ng gobyerno para sa kanilang isang taong premium.

Mula January hanggang July 2019, nakapagbayad na ang PhilHealth sa 174,000 dengue claims na mahigit sa Php1.7 bilyon. 17,000 dito ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na ikalawa sa Region II na nagtala ng 19,000 claims. Mula naman sa Regions IV-A, VII, X, XI at XII ang 64,000 claims na nagtala ng pinakamataas na dengue reimbursement na nagkakahalagang Php642 milyon.

Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok at kung nakararamdam na ng ilang sintomas nito tulad ng trangkaso at rashes ay kumonsulta agad sa doktor.

Para sa mga katanungan tungkol sa benepisyo, programa at serbisyo ng PhilHealth, maaaring tumawag sa Action Center Hotline sa (02) 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph. Para sa iba pang updates, maaari ring bisitahin ang kanilang social media account sa Facebook (facebook.com/PhilHealth) at Twitter (@teamphilhealth).

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page