Pilipinas Ni: Miguel Anton C. Mangunay
- BULGAR

- Jul 18, 2019
- 1 min read

Mayamang kulturang
Pilipino ay daan sa maayos at magandang
kinabukasan ko.
Bilang mag-aaral, ako’y lubos na naniniwala
na isa sa mahahalagang haligi upang magkaroon ng kapayapaan, pagkakaisa at pagbabago.
Ang mayamang kulturang namumutawi sa pamumuhay nating mga Pilipino.
Kulturang lubos na maipagmamalaki
saanmang panig ng daigdig!
Kung saan ito’y nagsisimula sa ating sarili
at ating ipinamamalas sa ating pamilya at pamayanan!
Walang kayamanang hihigit pa sa kulturang Pilipino.
Tunay nga itong isinasaisip, isinasapuso,
isinasagawa at nagiging daan tungo sa maayos at magandang kinabukasan
naming mga kabataan!
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments