top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

CPCP ng SSS, extended hanggang September 6, 2019!

Thea Janica Teh
Jul 18, 2019
1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Magandang balita ang hatid sa atin ng Social Security System (SSS) dahil extended hanggang ngayong September 6, 2019 ang pagtanggap ng SSS ng aplikasyon para sa kasalukuyang Contribution Penalty Condonation Program (CPCP).

Matapos linawin ng Social Security Commission (SSC) ang policy-making body ng ahensiya na sa pamamagitan ng Resolution No. 453-s.2019, ang deadline ng CPCP ay naiurong mula sa naunang naianunsiyo na September 1, 2019.

Binigyang-daan ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018 ang pagbibigay ng condonation program para sa mga employer. Isinasaad sa transitory clause o Section 31 ng naturang batas na maaaring makapagbayad ang delingkuwenteng employer ng lahat ng hindi niya nabayarang kontribusyon sa SSS sa loob ng anim na buwan matapos maipa­tupad ang batas. Nilagdaan ang batas noong February 7 at ipinatupad noong March 5.

Para sa karagdagang impormasyon sa pag-a-apply sa programa, maaaring bumisita sa pinakamalapit na SSS branch o tumawag sa SSS Call Center hotline sa 920-6446 to 55 o mag-email sa member_relations@ sss.gov.ph.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page