top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Anumang edad o kasarian, hindi dapat binabastos!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2019
  • 1 min read

Iba’t ibang uri ng pambabastos ang nakaabang sa ka­babaihan saanman sila magpunta.

Patuloy itong ikinababahala ng karamihan dahil tila naging parte na ng araw-araw na pamumuhay nila ang mabastos.

Kamakailan lamang, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Safe Space Bill” o Anti-Bastos Bill.

Sa ilalim ng Republic Act 11313, bawal na ang anumang uri ng pambabastos tulad ng paninipol, panghihipo, homophobic, transphobic o misogynistic remarks at seksuwal na patutsada sa mga babae, gayundin sa iba pang kasarian.

Bagama’t, karaniwang babae ang nabibiktima ng nabanggit na pam­babastos, sakop din ng batas ang mga miyembro ng LGBT community.

Layon nitong labanan ang gender-based sexual harassment sa public places, online, workplaces at educational at training institutions.

Aabot sa P100, 000 multa at pagkakakulong ng isang buwan ang maaaring ipataw na parusa sa sinumang lalabag sa batas, depende sa uri ng gender-based harassment.

Malaking bagay ang batas na ito dahil pormal nang makapag­rerek­lamo ang mga biktima sa mga kinauukulan at hindi sa socmed lamang, gayundin, siguradong mananagot ang lalabag.

Magandang hakbang ito upang maubos ang mga bastos sa iba’t ibang lugar dahil sa totoo lang, ang anumang uri ng pambabastos ay hindi dapat gawin sa sinuman, anuman ang edad at kasarian.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page