top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sey ng experts... PAGLALAAN NG ORAS SA MGA HAYOP, EPEKTIB NA PANLABAN SA STRESS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2019
1 min read

NAISIP na ba ninyong makipaglaro sa malalaking farm animal? Scary, ‘di ba? Pero, for sure, mawawala ang takot ninyo kapag nalaman ninyong ang cow cuddling ay patok ngayon dahil sa beneficial wellness na maibibigay nito. Wow, amazing!

Sa pag-aaral, ang paglalaan ng oras sa mga hayop ay nakapagpapababa umano ng stress level. Bagama’t ang paraang ito ay nakapagbibigay ng awkwardness sa tao, mainam umano ang theraphy na ito para sa ating kalusugan.

Sa katunayan, ang pakikipag-cuddle sa baka ay nakai-improve ng ating mental well-being.

Gayunman, ang body temperature ng baka ay mas mataas kaysa sa tao, pero mayroon silang mababang heart rate.

Samantala, ang cow cuddling ay epektibong panlaban sa stress at nakatutulong para magkaroon tayo ng bond sa kalikasan.

Ayon sa Mountain Horse Farms, bukod sa baka, ang kabayo rin umano ay may special body language para makipag-usap sa mga tao, kumbaga, kaya nilang maramdaman kung masaya, malungkot o stress tayo at nagre-respond sila base sa ating kinakailangan.

Dagdag pa rito, ang paraang ito ay nakai-improve din ng assertiveness at confidence, in short, “say goodbye to your fears”, beshy!

Para ma-avail ang horse & cow cuddling, ito ay nagkakahalagang $300 sa loob ng 90 minuto, pero para sa mga low budget, mayroon ding 60 minuto na nagkakahalagang $75.

Nakatutuwa ang ganitong mga paraan para mawala ang stress na may masamang naidudulot sa ating kalusugan.

Kaya sa mga beshy natin diyan na gustong masubukan ang cow cuddling, ipun-ipon din ‘pag time! He-he-he! Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page