top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung dati, atras, ngayong kailangan ng datung… BISTEK, GAME NANG MAKASAMA SI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

MATAPOS ang kanyang ikatlo at hu­ling termino bilang mayor ng Quezon City, balik-showbiz ngayon si Herbert Bautista.

Isa sa mga plano ngayon ni Herbert sa pagbabalik niya sa showbiz ay ang pag-aaral ng script­writing, kung saan kasama siya sa workshop ng bati­kang manu­­nu­lat na si Ricky Lee.

Star-studded din ang mga kasama nga­yon sa Batch 22 ng workshop ni Ricky Lee dahil nan­diyan sina Candy Pangi­linan, Va­ness del Moral, Mikoy Morales, Fifth Solo­mon, Bea Alonzo at ang award-winning journalist na si Chiara Zam­brano.

“Aral tayo para hindi naman nakaka­hiya,” ang naging paha­yag ni Her­bert sa ABS-CBN nang ma­ka­pana­yam nila ito sa red carpet ng katata­pos lang na Entertainment Edi­tors’ Choice Awards for Movies (EDDYS).

Bukod daw sa pag-aaral ng script­writing, kasado na rin ang isang pro­yekto na kanyang kabibila­ngan.

“Meron nang paparating, pero ayaw ko munang magsalita kasi baka suma­bit,” aniya.

Dahil balik-showbiz nga, naitanong din sa dating alkalde ng Quezon City kung posible ba na matuloy na ang inaabangang pagsasama nila ni Kris Aquino sa isang pelikula lalo na’t nagbabalik din sa big screen ang Queen of All media.

Matatandaan na si Herbert sana ang leading man noon ni Kris sa Star Cinema movie na All You Need is Pag-ibig ni Antoinette Jadaone.

“Aba, bakit hindi? Kailangan ko nga ng trabaho, eh,” ang naging sagot ni Herbert.

Ayon kay ex-Mayor Herbert, masaya siya sa pagbabalik ni Kris ngayong 2019, kung saan isa ang pelikula nitong K(Ampon) kasama si Derek Ramsay sa first four official entries na inanunsiyo na ng MMFF committee.

“In fact, dapat nasa mainstream siya and I think meron siyang Metro Manila Filmfest (MMFF), that’s good for her,” pahayag ni Herbert.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page