Kaya raw mabilis siyang gumaling… VICE, KINUMPIRMANG INARAW-ARAW SIYA NI ION SA OSPITAL
- BULGAR

- Jul 17, 2019
- 1 min read

BAGO pa man kumalat ang mga larawan sa social media na magkasama ang pamilya ni Vice Ganda at ng rumored boyfriend niyang si Ion Perez, usap-usapan na rin ang mga larawan ni Kuya Escort kasama si Ryan Bang na nasa ospital at dumalaw nang ma-confine si Vice dahil sa intestinal flu.
Kinumpirma naman sa amin ng tv host-comedian na araw-araw nga siyang dinalaw nina Ryan at Ion sa ospital, kaya siguro napabilis ang paggaling ni Vice.
Sa larawan naman nina Ion at Vice na ipinost ng huli sa kanyang Instagram Stories na para sa iba ay ginawa raw ni Vice sa kauna-unahang pagkakataon, binigyang-linaw agad sa amin ng komedyante na ‘di ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-post siya ng larawan nila ng rumored boyfriend.
Masaya rin si Vice na marami na ring tagahanga ang Vice-Kuya Escort tandem sa It’s Showtime.
Sa huli ay nagpasalamat si Vice sa mga taong nagdasal para sa mabilisan niyang paggaling. Siniguro ni Vice na maayos na maayos na ang kalusugan niya kung saan nagkaroon siya ng executive checkup habang naka-confine sa ospital.





Comments