Sikat na shoe designer, inimbitahan daw siya sa bahay… HEART, IPINAGSIGAWANG TEXTMATES SILA NI CHRIS
- BULGAR

- Jul 16, 2019
- 1 min read

MATAPOS dumalo sa Paris Fashion Week sa Paris, France, balik-Pilipinas na si Heart Evangelista at ibinahagi niya in her recent interview ang experience niya sa nasabing event.
Ayon kay Heart, ito ang ika-5 taong pagdalo niya sa Paris Fashion Week, but what’s so exciting about this trip ay kasama niya for the first time ang kanyang stepdaughter na si Chesi Escudero.
Sa IG account nga ni Heart ay makikita sa kanyang mga posts ang mga bonding moments nilang mag-ina.
“It was her first time. Kasi, she’s 11 turning 12, so I really wanted to, you know, bond with her and show her what I do there,” sabi ni Heart sa kanyang panayam.
“She had a really good time, so, nakakatuwa na makita siyang… parang nag-bloom siya sa trip, so, it’s nice to witness that,” dagdag pa ng aktres.
Isa sa mga highlights ng trip ni Heart ay ang makitang muli ang top designer na si Christian Loubotin. Ipinost pa niya sa kanyang IG ang larawan nila. Na-meet din niya roon ang isa pang sikat na designer na si Antonio Grimaldi.
Kuwento ni Heart, constant ang communication nila ni Loubotin na first time niyang na-meet a couple of years ago.
“Maybe because I’m an artist, so nagkasundo kami and we’ve been texting each other,” aniya.
Inimbita pa raw siya ni Loubotin na mag-lunch sa bahay nito at aniya, “He’s really, really nice.”





Comments