Sex videos ng mga artista, 'di naman daw big deal… SIGAW NI SUE: NORMAL LANG ANG SEX!
- BULGAR

- Jul 16, 2019
- 2 min read

NILINAW ng bida ng Cuddle Weather na si Sue Ramirez na okay lang naman sa Star Magic na humahawak sa kanyang career na gumawa siya ng mga sexy roles tulad nga ng ginawa niya sa entry niya sa 3rd PPP this year kung saan leading man niya si RK Bagatsing.
Ang bawal daw ay ‘yung masangkot siya sa iskandalo tulad ng sex video dahil may mga endorsements siyang maaapektuhan.
Kumbaga, ‘yung sexy roles ay parte lang ng trabaho nila bilang artista, pero ‘yung sex video nga naman ay personal na at makakasira sa kanyang imahe.
Kaya naman, tiniyak ni Sue na wala siyang sex video dahil alam nga niya ang kanyang limitations bilang artista.
Pero matapang na nagbigay ng sariling opinyon ang Kapamilya actress nang matanong namin kung ano’ng masasabi niya sa mga kumakalat na sex videos ng mga celebrities.
Diretsong sabi ni Sue sa panayam namin sa kanya sa PPP 3 media launch, “Sex is a normal thing. I don’t know why people are so hype up about it.”
Dagdag pa niya, “Paano ba kayo nabuo, guys? Bakit parang gulat na gulat kayong makakita ng mga taong nagse-sex? Eh, ‘di ba, normal lang ‘yun? ‘Di n’yo ba ginagawa ‘yun?
“Ewan ko! Wala lang! Ako, ‘di ako nababastusan, kasi normal naman siya, eh. I don’t know why people find it bastos.”
So, kung normal naman pala para sa kanya ang sex, pinapanood ba niya ang sex videos ng mga kapwa niya celebrities na kumalat sa social media?
“Hindi na, bakit pa? Hahaba ‘yung kuwento. Dadami ‘yung makakapanood. Respeto mo na rin du’n sa taong kakilala mo,” katwiran niya.
Paano kapag ang BF niya for 2 years na si Joao Constancia ang may sex video?
Mariing sabi ni Sue, “Wala siyang ganu’n. Wala siyang ganu’n, for sure. Hindi niya trip ‘yung mga ganu’n.”
Oh, ha?! At least, pareho sila ni Joao na walang sex video, ‘di ba? Mahirap naman kung si Sue, wala, tapos si Joao, meron!
Hahaha! Joke lang, Sue!
Mukhang inlabey talaga si Sue at malaki naman ang tiwala sa kanyang BF na kung i-describe nga niya ay… “He’s very caring. He helps me in terms of discipline. Wala kasi akong disiplina, ‘di ako natutulog nang maaga. So, siya ‘yung nagre-remind sa akin na ‘Uminom ka ng tubig. Kumain ka na ba?’”
How sweet naman!
Ewan lang namin kung ipapapanood ba ni Sue kay Joao ang mga eksena nila ni RK sa Cuddle Weather na ipapalabas sa mga sinehan sa Sept. 13 to 19 kasama ng iba pang entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng Film Development Council of the Phils. (FDCP) headed by Chairwoman Liza Diño-Seguerra.





Comments