Pagsasama sa movie, kaya 'di natuloy… TIRSO, UMAMING WALANG PANAHON KAY NORA


SA katatapos lang na 3rd Eddys Awards na ginanap sa New Frontier Theater last Sunday, nagkaroon kami ng pagkakataong makausap at ma-ambush interview si Tirso Cruz III na isa sa mga pinarangalang Icons ng showbiz.
Nilinaw namin kung may katotohanan ang bali-balitang tinanggihan niya ang project na Isa Pang Bahaghari na kasama sina Nora Aunor at Boyet de Leon. Si Joel Lamangan ang direktor ng movie at ipo-produce ng Heaven’s Best Productions na entry sana sa MMFF 2019.
Well, balido naman ang naging paliwanag ni Pip sa nasabing balita.
Unang-una, hindi raw si Nora ang dahilan kaya hindi niya tinanggap ang offer. Sobrang hectic din daw ng kanyang schedule ngayon at hindi niya maisisingit ang pagsu-shoot ng pelikulang Isa Pang Bahaghari.
May ongoing siyang serye at ayaw naman niyang tumanggap ng project na hindi niya maibibigay nang buung-buo ang kanyang panahon. Hindi niya gawain ang tumanggap nang tumanggap at maglagare sa trabaho.
Gustung-gusto rin niyang makatrabaho si Direk Joel Lamangan na naging direktor na niya sa ilang pelikula. Pareho sila ni Boyet na busy kaya pati ang mga shows abroad na tinanggap niya ay waiting pa rin.





Comments