top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

GF, strongest person daw na nakilala niya… PRAMIS NI LUIS KAY JESSY: LAGI KITANG MAMAHALIN AT PASASA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2019
2 min read

TINUTUKAN ng madlang pipol ang guesting ni Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto sa pang-umagang programang Magandang Buhay nitong nakaraang Huwebes (July 11).

Isang mahalagang mensahe ang ipi­narating ng aktres-pulitiko para sa third anniversary ng panganay niyang anak na si Luis Manzano at ng kasintahang aktres na si Jessy Mendiola.

Sa video greetings na ipinakita sa Magandang Buhay noon ding araw na ‘yun, ani Vilma, “I’m out of the country pero hindi puwe­deng hindi ko kayo babatiing dalawa. Ang importante lang ay maligaya kayo.”

Sey pa ng Star for All Seasons, “Lucky, you are very, very happy and I would like to thank Jessy for making you really happy with your life. So, God bless you and if there’s anything, nandito lang si Momskie. I love you both and we love you both. God bless your relationship,” masayang mensahe ni Vi.

Sa kani-kanilang men­sahe para sa isa’t isa, hindi napigilan ni Jessy ang maiyak habang sinasabi ang nararamdaman para kay Luis.

“Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi akong nandito para sa iyo at palagi kitang aalagaan. At hindi na ako magpapa­apekto sa kung anuman ang sasabihin nila.

“Hindi lang pangako, gusto ko ring magpasala­mat. Kasi ikaw ‘yung na­ging sandalan ko kapag nahihira­pan na ako. Min­san, kapag mahirap, pa­lagi mo akong pina­patawa. Gusto ko lang magpasa­lamat kasi du­mating ka sa buhay ko at importante ka sa buhay ko,” ani Jessy.

Bilang ganti, isang pangako ang iniwan ni Luis para sa kanyang girlfriend na para sa kanya ay ang pinaka-strong na babaeng nakilala niya.

“She is the strongest person I know. And I promise na kapag dumating ‘yung araw na ‘yung strength na ‘yun ay medyo bumaba­ba nang kaunti, I promise to be your strength. I promise to be there for you. I promise na I will try to make that beautiful lips or mouth smile everyday. I promise to love you from this day forth ‘til that very, very special day that we get to say two words and so much more after that,” seryosong mensahe ni Luis.

Bagama’t nababanggit ang planong pagpapakasal ng dalawa, still mailap pa rin sina Luis at Jessy sa pagbibigay ng anumang detalye kaugnay ng kanilang future wedding.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page