top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

VIVA MORENA, WAGI SA 4-YO STAKES RACE

Ding Taboy
Jul 15, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

ITINANGHAL na champion ang Viva Morena sa katatapos na 4-Year-Old & Above Stakes Race nang talunin ang mahigpit na katunggaling Hitting Spree sa ginanap na karera sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Hindi naging mahirap para makuha ang unahan ng Viva Morena habang nakabuntot ang outstanding favorite na sina Hitting Spree at Critical Moments. Tinapos ni Viva Morena ang 1,700 meters sa oras na 1:42.2 para hablutin ang unang premyo na P300,000.

Tumanggap ng P112,500 ang pumangalawang si Hitting Spree at nag-uwi naman ng P62,500 ang pumangatlong Eugene Onegin at tumanggap ng P25,000 bilang 4th Placer ang kabayong si Certain To Win.

Sa kabilang dako, itinanghal namang kampeon sa katatapos na Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) Special Maiden Race (2-Year-Old Open) ang de banderang Exponential na ginanap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite noong Sabado ng hapon.

Hindi pinaporma ng Exponential ang mga kalaban na Arrogante na pumangalawa lamang at ang pumangatlong Prime Time Magic sa tagpong naganap sa Santa Ana Park sa 1,200 meters na karera.

Agad kinuha ng Exponential ang unahan sa pumangalawang Arrogante, habang kasunod sa puwesto ang segunda llamadong Prime Time Magic sa pagbukas ng aparator ng starting gate.

Mahusay ang pagdadala ni Class A Jockey Pat Dilema sa Exponential sa pagbukas pa lamang ng star gate bilang hudyat ng umpisa ng karera. Hindi pinaporma ni Jockey Dilema ang mga kalaban nito nang tapusin ang karera tungo sa panalo.

Tumanggap ng P800,000 ang Exponential habang pinagkalooban ng P250,000 ang pumangalawang Arrogante at P150,000 ang pangatlo na Prime Time Magic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page