top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

SASO, WAGI SA US JUNIOR PGA CHAMPIONSHIP

Eddie M. Paez, Jr.
Jul 15, 2019
1 min read

MULING pinatunayan ng dalagitang parbuster na si Yuka Saso ng Pilipinas ang kanyang mataas na estado sa larangan ng world amateur golf matapos nitong pakawalan ang matinding finishing kick sa huling round para makaakyat sa trono ng 2019 Junior PGA Championship sa Keney Park Golf Course ng Hartford, Connecticut.

Matamlay ang umpisa ng round 4 ni Saso, may-ari ng dalawang gintong medalya mula sa nakaraang Asian Games, dahil sa kanyang bogeys sa pangatlo at panglimang butas. Pero, tulad ng kanyang laro sa Asiad, nakabuwelo ito sa homestretch at kumamada ng birdies sa hole nos. 7, 10, 12, 14 at 17 para sa final day performance na 3-under-par 67. Kasama ang kanyang kartadang 65 (round 1), 68 (round 2) at 66 (round 3), kumartada ang Pinay-Haponesang lady golfer ng kabuuang 14-under-par 266 para maiuwi ang Patty Berg Trophy at ang isang tiket papunta sa 2020 Augusta National Women’s Amateur kung hindi pa siya magiging professional sa susunod na taon.

Dalawang strokes sa likod ng kampeong Asyana ay si Jensen Castle (268/ 67, 68, 66, 67) ng US para sa bridesmaid honors, samantalang nakuntento naman ang isa pang local bet na si Amari Avery (269/ 68, 70, 68, 63) sa pangatlong puwesto. Nagsosyo sa pang-apat na baitang sina Alexa Pano ng USA at ang 2017 winner at 2018 runner-up na si Rose Zhang ng China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page