top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

MP2 Savings ng Pag-IBIG Fund, tumaas ng 27% sa loob lamang ng anim na buwan

  • Thea Janica Teh
  • Jul 15, 2019
  • 1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Halos Php23.40 bilyon na ang nakokolekta at naiipon ng Pag-IBIG Fund members sa unang kalahati ng taon. Php4.94 bilyon o 27% ang itinaas nito sa nakaraang taon na Php18.46 bilyon. Ito ang highest record amount na naitala sa loob lamang ng anim na buwan.

Maraming miyembro ng Pag-IBIG Fund ang nakikiisa sa Modified Pag-IBIG 2 (MP2) savings ng ahensiya dahil bukod sa mapagkakatiwalaan ay confident ang mga miyembro na nasa mabuting mga kamay ang kanilang mga ipon. Ito rin ay nakatutulong sa iba pang miyembro na kumukuha ng home loan at short-term loan sa mas pinadaling proseso at pag-release ng kanilang loan.

Ang MP2 Savings ay ang voluntary savings program ng Pag-IBIG Fund na kumpara sa ibang savings program ay mas malaki ang nakukuhang dividend. Ito ay may 5-year maturity period at may minimum savings requirement na Php500. Bukas din ang programang ito sa mga retiree at pensioner na naging Pag-IBIG Fund member din.

Ibinahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na hindi nila inaasahan ang mabilisang paglaki ng MP2 Savings. Noong 2018, ang nakolektang savings ay tumaas ng halos 242% taun-taon kaya naman nakamit nila ang highest record na Php4.47 bilyon.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page