top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tubig-ulan, gawing mas kapaki-pakinabang

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2019
1 min read

Hindi pa rin tapos ang krisis sa tubig.

Kaya naman, kani-kanyang diskarte ang ilan para masulit ang bawat patak ng tubig na ka­nilang naiipon.

Kaugnay nito, isinusulong ngayon ang panukala na ga­wing kapaki-pakinabang ang tubig-ulan.

Layon nitong mapakinabangan ang tubig-ulan upang hindi maging sanhi ng pagbaha.

Puwede rin itong magamit na patubig sa mga lungsod at bayan, gayundin sa pag-apula ng sunog, pagdilig ng halaman, pag-flush sa banyo at paglilinis ng sasakyan.

Nakasaad sa panukala na dapat umanong magkaroon ng Rainwater Management Plan ang mga commercial, indus­trial at residential developer bilang bahagi ng kanilang site development application.

Dahil dito, inaatasan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na maghanda ng rainwater design ma­nual habang ang city o municipal engineers ang susuri sa mga gagawing pasilidad para mapakinabangan ang tubig-ulan.

Dahil sa nararanasang kakulangan sa tubig, dapat lamang na gumawa tayo ng paraan para walang anumang patak ng tubig ang masasayang.

Bagama’t, hindi pa ito ganap na batas, bilang mamamayan, maging matalino at matipid tayo sa tubig na mayroon tayo.

Hindi natin kailangan ng napakaraming suplay ng tubig sa araw-araw kung magiging disiplinado at madiskarte ang bawat isa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page