PUSHER TIKLO SA BUY-BUST
Pabs Hernandez III
Jul 14, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Nangabulan, Talugtug sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Rene Sarmiento, nakatira sa Bgy. Cabiangan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Sarmiento na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments