top of page

PAHIWATIG NA BIBIGYAN NG MAGANDANG KAPALARAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Mhari ng Mhari_Tess@facebook. com

Dear Professor,

Ano ang kahulugan ng panaginip ko kagabi na bumisita raw ako sa kaibigan ko, tapos, may iniabot siyang rubber shoes sa akin at nang isinuot ko ito ay biglang nag-iba ‘yung kulay, na­ging matingkad na asul at orange?

Sana, matugunan ninyo ang kahulugan ng panaginip ko.

Salamat!

Naghihintay,

Mhari

Sa iyo Mhari,

Simpleng-simple lang ang pormula ng success para sa iyo ayon sa pa­na­ginip mo. Sa iba, ina­akala nila na napakahirap mag­tagumpay kung saan bu­mibili pa sila ng mga libro kung paano magkakaroon ng successful life.

Sa ngayon, marami ang uma-attend sa mga seminar kaya kahit mag­bayad pa sila ng malaki ay okay lang sa kanila basta mag­tagumpay sila sa bu­hay.

Pero, marami ang na­bigo, kumbaga, may natu­tunan, ngunit, nanatiling ganu’n pa rin ang kapala­ran.

Ang napanaginipan mong binigyan ka ng rub­ber shoes ng kaibigan mo ay nagsasabing, ang ta­gumpay ay nasa pagkilos, kumbaga, kumilos ka nang kumilos na ang la­yunin mo ay ang kumita ng marami hanggang sa yu­maman ka.

Ang taong naka-rubber shoes ay makikitang kilos nang kilos. Ang taong na­ka-high heels ay makiki­tang parang mga tuod o punongkahoy na halos ayaw gumalaw dahil ma­sisira ang porma.

Ang mga nakasandals ay umaasa lang sa pagda­ting at paglisan ng kapa­laran at ang walang sapin sa mga paa ay mananati­ling mahirap.

Pansinin mo, ang mga naka-rubber shoes ay ma­bilis na nakakikilos. Ang isa pang masuwerteng ba­lita para sa iyo ay makikita kang may sarili ng negos­yo at ikaw ay yayaman nang todo.

Ang matingkad na ku­lay blue at orange ay para sa kagila-gilalas na ka­ya­manan, sa wikang Ingles ay “awesome” ‘yun bang na­kamamanghang ya­man.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page