MAYWEATHER, KNOCKOUT SA CROSSOVER DRIVE NI THE BONE
- BULGAR

- Jul 14, 2019
- 1 min read

MAYABANG si Floyd Mayweather, Jr. kapag tungkol sa katotohanang hindi pa siya napatutumba ng kahit sino sa kanyang unbeaten career sa boksing.
Pero kamakailan, libu-libo ang nakakita nang bumagsak siya ng pahiga sa sahig at hindi lang bagsak, kun’di masamang bagsak na muntik pang ikatapilok niya.
Hindi naman siya nasaktan, pero nawala na ang yabang niya nang pabagsakin siya sa basketball habang binabantayan ang crossover ni The Bone Collector.
Naglaro si Mayweather, Jr. sa Monster Energy $50K Charity Challenge sa UCLA Pauley Pavilion sa Los Angeles noong Martes.
Nagkamali si Mayweather sa pagguwardiya kay Larry ‘Bone Collector’ Williams, na nakuha niya ang kanyang monicket dahil sa ilang players na ang binalian niya ng bukung-bukong dahil na rin sa kanyang makulit na crossover moves. Hayun nga, at isa sa kanyang nabiktima ay si Mayweather, Jr.
Bumagsak pakaliwa si Mayweather, na isa ring ‘big basketball fan’ katulad ng kanyang karibal na si Manny Pacquiao, nang linlangin siya ni Bone Collector sa crossover move na natutunan at naging bihasa siya bilang streetball legend na ikinatuwa ng fans at ikinatawa na lamang ni Mayweather habang nakaupo siya sa sahig ng exhibition game na iyon. (MC)





Comments