Lalaking nerbiyoso kaya hindi maipagtapat ang feelings sa co-teacher

Dear Roma,
Magandang araw! Tawagin na lang ninyo akong Oggie. Mayroon akong katrabahong nagugustuhan at pareho kaming guro. Natatakot akong magtapat sa kanya dahil baka hindi niya ako gusto o baka may BF na siya, pero ayoko ring hindi magtapat dahil puwedeng wala pa siyang BF at baka maunahan pa ako ng iba sa kanya kung magpapatumpik-tumpik pa ako. Ano ang dapat kong gawin? Ninenerbiyos talaga ako. — Oggie
Oggie,
Alam mo, ‘tol, dapat subukan mong magtapat sa kanya ng nararamdaman mo, pero kasabay nu’n, dapat ihanda mo rin ang sarili mong mag-handle ng rejection para kung sakali man, eh, hindi ka gaanong magdaramdam. Kung sa tingin mo ay kaya mong maging karapat-dapat sa kanya, bakit hindi mo subukan? Fight your fears! ‘Ika nga, paano mo malalaman kung hindi mo gagawin o susubukan? Pero, kung nahihirapan ka talaga, subukan mong magparamdam para hindi rin siya mabigla. ‘Yun lang! Good luck!





Comments