IRIGA ORAGONS AT CAMSUR MAGKAKASUBUKAN SA NBL

MAGHAHARAP ang Iriga City Oragons at CamSur Express ngayong lingo sa pagpapatuloy ng National Basketball League (NBL) Season 2 sa JMR Coliseum sa Naga City. Ang nasabing laro ay nakatakda sa ganap na alas-6 ng gabi sa Linggo sa larong tinaguriang ‘Bicol’s Finest: Kalaro Hindi Kalaban.’ Sa unang pagkakataon ay maghaharap ang dalawang koponan na nakabase sa Camarines Sur.
Sa kasalukuyan ay nasa pangatlong puwesto ang Oragons sa team standings na may 5-2 kartada habang hindi nalalayo ang Express, na nasa pang-anim na puwesto tangan ang 5-3 na kartada.
Inaasahang mangunguna sa atake ng Oragons si AJ Perea habang makakaharap din nito ang sentro ng Express na si Jamil Bulawan.
Makakatuos din ng Express ang Zambales Converge Fiber X-Men sa ganap na alas-4 ng gabi habang ang Oragons ay makakatunggali ang Laguna Pistons sa ganap na alas-6 ng gabi.
Sa Linggo ay makakalaban din ng Pistons ang Fiber X-Men sa ganap na alas-4 ng hapon.





Comments