Ex-BF, bitter daw sa engagement nila ni Neil… RESBAK NI ANGEL: ‘WAG MONG SIRAIN ANG KALIGAYAHAN NG I
- BULGAR

- Jul 14, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

KAHIT nagpaliwanag na si Luis Manzano na ‘wag siyang iugnay sa engagement ng ex-GF niyang si Angel Locsin sa producer na si Neil Arce, heto na naman at hinihinalang may kinalaman ang TV host nang mag-post ang bida ng The General’s Daughter ng quote sa kanyang Instagram account.
Sabi sa Instagram story ni Angel noong Biyernes (July 12): “DON’T RUIN OTHER PEOPLE’S HAPPINESS JUST BECAUSE YOU CAN’T FIND YOUR OWN.”
Ayon sa ilang netizens, nag-post daw ng ganito si Angel dahil sa sinabi ni Luis Manzano pagkatapos matanong tungkol sa engagement nina Neil at Angel.
Mali kasi ang dinig o interpretasyon ng mga netizens sa sinabi ni Luis.
Ang sabi ni Luis sa interview, “‘Wag n’yo na akong idamay,” ngunit ang dinig at intindi naman ng isang netizen ay “‘Wag n’ya akong idamay sa kuwento niya.”





Comments