Dekada na raw ang away nila ng madir ni Jake na tatay ng apo niya… JACLYN, UMAMING ‘DI PA RIN SILA B
- BULGAR

- Jul 14, 2019
- 1 min read

SA FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino grand mediacon ay saglit naming nakausap si Jaclyn Jose na kasama sa pelikulang Circa, isa sa 10 official entries na ipapalabas sa Sept. 13 to 19 sa mga sinehan nationwide.
Tinanong ni yours truly kung okay na sila ni Laarni Enriquez na ermats ni Jake Ejercito, ang erpat ng first apo niyang si Ellie.
Umiling siya. Dati kasi, pati ang kapatid niyang si Veronica Jones ay super close kay Laarni.
So, ano’ng dahilan at tipong hindi na sila friends ngayon?
“Matagal nang isyu ‘yun, may dekada na,” maikli niyang pakli.
Ayaw na rin niyang pag-usapan ang naging short-lived romance nila ni Lito Pimentel.
“Naku, malaking iskandalo ‘yun. Alam mo ‘yan, Tita Mercy,” dagdag niyang sey.
At tanggap na raw niya ang surfer lover ng dyunak niyang si Andi Eigenmann, na swak lang sa saying that goes… “Accept things and people as they are...” para super boom-boom-boom ang life, ‘ika nga.





Comments