ARMY BINAWIAN ANG SMASHERS SA PVL BEST-OF-3 FOR 3RD PLACE
- BULGAR

- Jul 14, 2019
- 1 min read

NAKABAWI ang Pacific Town-Army at itinabla sa 1-1 ang best of 3 series nila para sa third place ng BanKo Perlas sa pamamagitan ng 25-23, 20-25, 25-20, 25-23 panalo.
Pinamunuan ni Honey Royce Tubino ang panalo sa itinala nitong 23 puntos mula sa 20 attacks at 3 aces.
Samantala, muling pinarangalan si Creamline ace spiker Alyssa Valdez bilang Conference Most Valuable Player.
Bukod sa pagiging MVP, ang kanyang ikatlo sa liga at pang-anim sa kabuuan mula sa dating Shakey’s V-League, nagwagi rin si Valdez bilang 2nd Best Open Spiker.
Ang iba pang mga individual awardee ay sina Nicole Tiamzon ng BanKo bilang 1st Best Open Spiker, 1st Best Opposite Spiker - Dzi Gervacio ng BanKo, Best Middle Blocker - Kathy Bersola ng BanKo, 2nd Best Middle Blocker - Cherry Nuñag ng PetroGazz, Best Setter - Julia Morado ng Creamline, Best Libero - Angela Nunag ng Pacific Town-Army at Best Foreign Guest Player - Wilma Salas ng PetroGazz. (V.A.)





Comments