top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di uso sa kanya ang krisis… YOUNG ACTRESS, KUNG ANONG MAISIPANG NEGOSYO, GO LANG NANG GO KAHIT ‘DI

  • Erlinda Rapadas T.
  • Jul 14, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

MAHILIG magnegosyo ang isang young actress. Nagugulat sa kanya ang mga kasamahang artista dahil ang dami-dami niyang gustong pasukang negosyo na hindi naman nagtatagal.

Madali siyang magsawa at mabilis mainip. Basta maisipan niyang negosyo, go lang siya nang go!

Palibhasa’y hindi naman sariling pera ang ginagamit niya. Meron siyang rich benefactor na siyang nangangapital sa kanyang mga negosyo.

Una, food business na wala namang promo at mistulang experimental lang. Tapos, hindi pa naka-dalawang taon ang unang negosyo, resto naman ang kanyang binuksan.

Mabuti na lang, inalalayan siya ng kanyang rich businessman BF at ito na mismo ang nag-manage dahil hindi na maasikaso ng young actress ang negosyo.

Tapos, biglang luminya naman sa cosmetics ang young actress, pero hindi pa nga nakikilala sa market ang kanyang produkto, biglang kambiyo na naman ang utak niya at ayaw na namang ituloy ang kanyang cosmetic business. Mahirap daw kasi dahil hindi niya personal na natututukan.

Pero, huwag daw mag-alala dahil mas malaki at bongga ang susunod niyang business. Focused daw muna siya sa bago niyang serye ngayon.

Nakakaloka talaga ang takbo ng utak ng young actress. Nakakatakot siya!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page