Tulad ng mga ex din niyang sina Solenn at Cristine… DEREK, GUSTONG MAGING KAIBIGAN SI ANGELICA
- BULGAR

- Jul 13, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

SA dami ng pinagdaanan nila sa loob ng anim na taon, sinabi ni Derek Ramsay na hindi malayong maging magkaibigan sila uli ng ex-GF niyang si Joanne Villablanca na isang model/blogger.
Aniya, “Sa dami ng good memories na nangyari sa relationship na ito, for me it would be possible for us to finally, after all the hurt is done, to go back.”
Ganito rin daw kasi ang nangyari sa mga dati niyang karelasyon tulad nina Solenn Heussaff, beauty queen Colette Centeno at Cristine Reyes na naging kaibigan niya after ng hiwalayan nila.
Aniya, “Yes, same thing with me and Solenn (Heussaff), after all the hurt, we both had so much more good times, and that’s why we’re so close. Solenn is very close with my family.
“Colette was four years of my life and we’re best friends. Ninong ako ng mga anak niya. Cristine and I, we talk, I give her advice on life. People think I had so many girlfriends, I can still count.”
Samantala, isa rin sa mga wishes ni Derek na maging kaibigan niya uli ay ang ex-GF niyang si Angelica Panganiban na nakarelasyon niya nang 5 years.
“I wish the same thing would happen between me and Angelica,” sabi ni Derek.
Sa kabila ng pagiging open ng aktor na maging kaibigan ang mga dati niyang karelasyon, hindi na siya pabor na makipagbalikan pa, dahil ang katwiran niya, mauulit lang kung anuman ang nangyari.
Samantala, aminado ang aktor na hindi niya basta-basta makakalimutan ang pinagsamahan nila ni Joanne na anim na taon niyang nakarelasyon.
Aniya, “This is something that I will cherish, 6 years of my life, 6 years of her life, 6 years together, you can’t just turn your back on that. She will have a special place together with Sophie (Joanne’s daughter) in my heart. I’ll always look back and maybe smile about it.
“I’m sure I’ll love again, I’m sure she’ll love again. I’m sure she’ll find the right guy for her,” pahayag niya.
Masaya rin siya na ginagawa ngayon ni Joanne ang passion nito sa buhay.
Aniya, “I’m happy for her. She has found something that she’s really passionate about. I’m proud to say, nakatulong ako sa kanya with that. And because I love her, I should be happy for her.”





Comments