top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Para walang kaagaw ang movie nina Vic at Vice… PELIKULA NI COCO MMFF, SINABOTAHE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2019
1 min read

UMAAPELA ang mga fans and supporters ni Coco Martin sa committee na namamahala sa MMFF 2019.Bakit daw naetsapuwera ang entry ni Coco ganu’ng okey naman at wholesome ang tema at big stars ang mga kasama niya sa movie na sina Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado?

May star material din ang movie na panghatak sa moviegoers kaya karapat-dapat lang na makasama sa MMFF 2019!

Hindi nila basta matatanggap na out sa filmfest ang kanilang idolo, lalo na’t kara­mihan sa mga nanonood ng movie ni Coco ay mga bata na suki rin ng serye niyang Ang Probinsyano!

Tuloy, hindi maiwasan na isipin ng mga fans & supporters ng aktor na napulitika at sinabotahe si Coco upang hindi maka­agaw sa box office gross ng mga pelikula nina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda.

Big threat kasi si Coco sa filmfest kaya may humarang daw sa kanyang entry ngayong taon.

Pero, malinaw naman ang paliwanag ng MMFF committee sa pagkakaligwak ng movie ni Coco, may katulad na genre ang isinali niyang pelikula at ruling na sa MMFF na dapat, walang magkapare­hong genre na magsasabay sa filmfest.

Let’s see kung pakikinggan ang apela ng kampo ni Coco Martin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page