top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MGA KALAHOK SA “3RD LEG NG TRIPLE CROWN” OKS NA

Ding Taboy
Jul 13, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

PINANGALANAN kahapon ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang mga kabayong kalahok sa 2019 Philracom “3rd Leg Triple Crown Stakes Race” na gaganapin sa Hulyo 21 sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa bayan ng Malvar, lalawigan ng Batangas.

Kasabay nito, walo naman ang kalahok sa 2019 Philracom “Hopeful Stakes Race”, habang pito ang titikada sa 2019 Philracom “3-Year-Old Locally Bred Stakes Race”. Maghaharap sa huling yugto ng Triple Crown ang mga kalahok na Boss Emong, Jayz, My Dad Bogart, My Jopay, Real Gold, Shanghai Grey at Sir Joaquin.

Nakalaan ang P1.8 milyon sa tatanghaling kampeon, habang makatatanggap ng P675,000 ang 2nd placer, tatanggap ng P375,000 ang 3rd placer at P150,000 ang makakamit ng 4th placer.

Maghaharap ang mga kalahok na Best Regards, My Sheltex, Parokya ni Nitoy, Phenomenal, The Accountant, Tulos Express, Two Timer at Westeros. Tatanggap ng P600,000 ang magiging kampeon, habang tatanggap ng P225,000 ang 2nd placer, samantalang mag-uuwi ng P125,000 ang 3rd placer at P50,000 sa 4th placer. Ang mga kalahok sa 2019 Philracom “3-Year -Old Locally Bred Stakes Race” ay pangungunahan ng Gil’s Magic, Gintong Tubig, KickBack, Perfect Time, Silab, Weather Lang at Parokya ni Nitoy. May nakalaang P500,000 guaranteed prize sa unang apat na makatatawid sa finish line.

Samantala, pitong karera ang bibitawan ngayong hapon kasabay ng PCSO “Special Maiden Race (2-Year- Old Open)” sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Nakalalamang ang Humidor laban kay Valley Cat at Easy Landing sa Race 1 na panimula ng Winner Take All (WTA). Sa Race 2, pinapaboran ang Watermania at Raxa Bago habang makakalaban ang Makaarem at Gee’s Star na umpisa ng Pick 6 event.

Maglalaban naman sa Race 3 ang Exponential, Arrogante, Prime Time Magic, Bucasgrande Island, Cape Town at Janni Banni sa PCSO “Special Maiden Race”, kasabay ng Pick 5 event.

Mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Expensive, Juliana’s Gold, Hard Work Classic at Oakhill Princess sa Race 4 ng Pick 4 event, habang ipinapatok ang Agi Daw sa 3-Year-Old and Above Maiden Race sa Race 5. Maglalaban naman ang kalahok na More Or Less, Triton, Joem’s Gal at Juachenzo’s Run sa Race 6 habang magsisilbing parating sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 ang Bottoms Up at Grey Area.

Tip Ni Mang Ding: Race 1- Humidor (9) Easy Landing (8) Race 2- Watermania (5) Raxa Bago (8) Makaarem (2) Race 3- Exponential (2) Arrogante (5) Prime Time Magic Race 4- Oakhill Princess (3) Juliana’s Gold (7) Hard Work Classic (4) Race 5- Agi Daw (2) Race 6- More Or Less (3) Joem’s Gal (1) Race 7- Bottoms Up (1) Grey Area (7) WTA (1-7) 9/2-3-5-8/2-5-7/7-4-3/2/1-3/1-7 Pick 6 (2-7) 2-3-5-8/2-5-7/7-4-3/2/1-3/1-7 Pick 5 (3-7) 2-5-7/7-4-3/2/1-3/1-7 Pick 4 (4-7) 7-4-3/2/1-3/1-7

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page