top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kelot timbog sa shabu

Pabs Hernandez III
Jul 13, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA—Isang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Gapan City sa lalawigang ito.

Nakilala ang suspek na si Enrico Baguisa, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nakakumpiska ang pulisya ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Baguisa.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page