Annual Audit ng PCSO para sa national government, umabot sa Php2.5B
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Umabot sa Php2.5 bilyon ang ini-remit ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang dibidendo sa national government para sa CY 2017. Ito rin ang dahilan ng pagiging ikaanim ang PCSO sa top-paying GOCC.
Bukod pa rito, nag-remit din ng Php744 milyon ang ahensiya sa DOF bilang dibidendo sa CY 2018 mula sa RA 7656. Ang PCSO ay hindi pa nakapagre-remit ng dividend mula noong 1994 hanggang 2016 ngunit, ngayon ay awtomatiko na itong nata-transfer sa Charity fund ng PCSO.
Mula sa charity fund, natulungan ng PCSO ang halos 1 milyong beneficiaries mula sa Individual Medical Assistance Program (IMAP) mula noong 2012-2016. Bukod dito, Php25 bilyon ang na-remit ng PCSO mula noong 2007-2016 para sa mandatory contribution sa national government. Ito ay nakapagbigay ng Php500 milyon para sa calamity assistance at Php1.8 bilyon para sa Ambulance Donation Program.
Para sa iba pang detalye, maaaring tawagan sina Atty. Marissa O. Medrano, PCSO Spokesperson at Pilar Pinga Cruz, PCSO Alternate Spokesperson sa 997-0245.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments